ILOILO CITY – Binanatan ni retired Commission on Elections (Comelec) Commissioner Rowena Guanzon si Commissioner Aimee Ferolino hinggil sa hindi umano tamang resolusyon sa tatlong disqualification petition laban kay presidential aspirant Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr.
Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Guanzon, sinabi nito disqualified si Marcos dahil sa hindi paghahain ng income tax returns mula 1982 hanggang 1985, na maituturing umanong moral turpitude kung saan sinadya umano ito ng presidential aspirant.
Ani Guanzon, kung walang batas na nagpaparusa sa hindi pag-file ng income tax return, hindi sana mako-convict noon si Marcos sa regional trial court.
Anya, malinaw na nilabag ni Ferolino ang Anti-Graft and Corrupt Practices Act dahil sinadya nitong i-delay ang paglalabas sa desisyon ng kaso upang hindi maisama ang boto ng retiradong Comelec official.
Nanawagan naman si Guanzon sa mga petitioner na iakyat sa Supreme Court ang disqualification case.