-- Advertisements --

Pinababa sa pampasaherong eroplano si reitred UFC fighter Khabib Nurmagomedov matapos na pakikipag-argumento sa isang staff ng Alaska Airlines.

Nagbunsod ang argumento dahil upuan na kinaroroonan ng Russian fighter.

Nasa Harry Reid International Airport sa Las Vegas ang eroplano kaya inalalayan na siya ng mga airport police palabas ng eroplano.

Makikita sa kumalat na video na pinakiusapan ng flight attendant ang 36-anyos na UFC fighter kung may kapasidad itong tulungan ang iba mula sa kaniyang window exit seat.

Giit ng Russian fighter na hindi tama na tumulong siya at ipinilit ang desisyon nito.

Patungo sana sa California si Nurmagomedov para suportahan ang kaniyang team na lalaban sa UFC 311 sa Enero 18.

Siya ay mayroong record na 29 panalo at wala pang talo bago ito magretiro.