Tumaas ng hanggang P136 kada kilo ang retail price ng asukal sa Supermarkets sa kabila ng pagbuhos ng inangkat na asukal sa merkado base sa latest price monitoring ng Sugar Regulatory Administration (SRA).
Matatandaan na una ng pinayagan ng pamahalaan ang pag-angkat ng 440,000 metrikong tonelada ng asukal sa ilalim ng Sugar Order No. 6 dahil kailangan ito upang mapababa ang mga presyo ng nasabing produkto sa merkado.
Naglalaro sa pagitan ng P90.95 at P136 ang kada kilo ng asukal sa mga grocery sa Metro Manila habang sa public wet markets naman ay nasa pagitan ng P88 at P110 kada kilo.
Batay pa sa price monitoring ng SRA, ang retail price ng washed sugar ay nasa pagitan ng P85 at P120 kada kilo sa mga grocery at sa mga merkado naman ay nasa halagang P85 at P95.
Para naman sa raw sugar, ito ay pumapalo sa pagitan ng P85.60 at P111 kada kilo sa supermarkets at P80 hanggang P90 kada kilo naman sa mga merkado.
Base naman sa latest monitoring naman ng DA, ang retail price ng refined sugar ay nasa pagitan ng P86 at P110 kada kilo, sa washed sugar ito ay nasa pagitan ng P80 at P90 kada kilo habang sa brown sugar naman ay nasa P78 hanggang P95 kada kilo.