-- Advertisements --

Pinuri ng Philippine Retailers Association (PRA) ang pagtatalaga ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr kay Frederick Go bilang presidential adviser for investment and economic affairs.

Sinabi ni PRA president Roberto Claudio, na ang desisyon sa pagtatalaga kay Go ay isang kahanghanga.

Naniniwala sila na mayroong malaking kontribusyon si Go sa national economic development.

Bago italaga sa Office of the Special Assistant to the President for Investment and Economic Affairs (OSAPIEA) ay naging PRA president ito.

Sa kaniyang termino noon ay nakuha ng bansa ang hosting ng Asia-Pacific Retailers Convention and Exhibition noong taong 2015.