Hiniling ng mga grupo ng retailer sa gobyerno ng pagpapaliban ng retail liberization.
Ito ay dahil sa nahihirapan ang mga malilit na local players na makipagsabayan sa mga bagong negosyante mula sa ibang bansa.
Ayon kay Rosemarie Bosch-Ong, pangulo ng Philippine Retailers Association, na ang hakbang para tanggalin ang pagharang sa pagpasok ng mga dayuhang retailers ay dapat talagang ipagpaliban dahil ito ay nakakasama sa mga medium, small and micro enterprises (MSME).
Marami sa kanila aniya ang naapektuhan ng pandemya at hindi pa nakakabawi.
Nakasaad sa kasalukuyang Retail Trade Liberalization Act of 2000 ay ang pagpapababa ng kapital ng mga foreign investor ng hanggang $300,000.
Ayon naman sa gobyerno na magpapasigla sa foreign investment ang nasabing batas.