Hindi nababahala ang hanay ng militar sa posibleng ganti ng Dawlah Islamiya (DI), matapos mapatay ang leader nila na si Salahuddin Hassan.
Ayon kay 6th ID chief at commander ng Joint Task Force Central, Major General Juvymax Uy, nakahanda sila sa ano mang magiging hakbang ng naturang grupo dahil matagal nang nakaalerto ang kanilang mga tauhan sa anumang scenario.
Para sa opisyal, mas mabuti ngang lumabas ang mga armadong kaalyado ni Hassan, upang maaresto na ang mga ito at mapanagot sa batas.
Una rito, napatay ng mga otoridad si Salahudin na itinuturing na emir ng Islamic State-linked DI terror group.
Maging ang asawa ng terorista na si Jehana Minbida ay nasawi rin sa insidente na nangyari sa Barangay Damablac, Talayan, Maguindanao noong Biyernes ng madaling araw.