-- Advertisements --

KORONADAL CITY – Nakahanda ang 6th Infantry Division Philippine Army sa posibleng retaliatory attacks o paghihiganti na gagawin ng naiwang mga miyembro ng Dawlah Islamiyah- Ansar Khilafa Philippines-Maguid Remnants terror group.

Ito’y matapos nasawi sa ikinasang operasyon ng mga kapulisan at kasundalohan ang kanilang sub-leader na si Arafat Bulacon alyas Maula sa . 6, Brgy. Koronadal Proper, Polomolok, South Cotabato.

Sa panayam ng Bombo Radyo Koronadal kay 6th ID spokesman Lt. Col. Anhouvic Atilano, inaasahan na nila ang naturang senaryo kaya hinigpitan nila ang pagbabantay sa mga entry at exit points sa South Central Mindanao upang hindi na sila makapaghasik ng lagim.

Sa ngayon ay kinilala ang limang iba pa na nasawi sa naturang sagupaan na sina: Rusdy Saladao alyas Jayton, Norman Insag Marot, Arsad Insag Marot, Abdulbayan Insag Marot kag Mananding Insag Marot.

Nabatid na ihahatid sana ng naturang grupo ang mga improvised explosive device sa iba’t-ibang bahagi ng Mindanao kaya inunahan na nila ito at inilunsad ang naturang operasyon.