-- Advertisements --

LA UNION – Arestado ang Top 10 Most Wanted Person Provincial Level, na isang 60-anyos at retiradong empleyado sa syudad ng San Fernando.

Sa panayam ng Bombo Radyo La Union kay PLt. EmmaRose Estrada, kasalukuyang Police Community Relation Officer ng San Fernando City Police Station, kinilala nito ang nahuling suspek sa pangalang Samuel Gacayan, residente ng Purok 6, Barangay Sevilla.

Hinuli ito sa bisa ng dalawang warrant of arrest kaugnay sa kinakaharap na kasong paglabag sa RA 8353 o panggagahasa at 3 counts na paglabag sa RA 7610 (VAWC).

Ayon kay Lt. Estrada, mismong live-in partner ng suspek ang nagreklamo laban kay Gacayan, dahil umano sa panggagahasa at pagmamalupit sa dalawa nitong step daughter noong December 2020.

Sinabi pa ni Estrada na may inirekomendang piyansa ang suspek na P200-k para sa kaso nitong VAWC ngunit mabubulok naman ito sa bilangguan dahil sa kasong 2 counts of rape.