-- Advertisements --

BUTUAN CITY – Patuloy pa ang imbestigasyon ng pulisya sa bayan ng Buenavista, Agusan del Norte sa brutal na pagpatay sa isang retiradong titser na natagpuan na lamang ng kanyang mga pamangkin na wala ng buhay sa loob ng kanyang bahay nitong Martes ng hapon.

Ayon sa imbestigador na si Police Staff Sergeant Alexander Avenido Jr., nakilala ang 87-anyos na biktimang si Pedra Madios, residente ng Purok 7, Brgy. Malapong ng nasabing bayan.

Lumabas sa kanilang inisyal na imbestigasyon na huling nakita ang biktima nitong nakalipas na araw at buong araw kahapon ay hindi na ito lumabas ng bahay kung kaya’t sinadya na ito ng kanyang mga pamangkin at doon na nakita itong nakabulagta sa kanyang kama nay may mga dugo sa kanyang mukha at wala ng buhay.

Narekober din sa crime scene ang tubo ng stand fan na pinaniniwalaang syang ginamit pagsakal sa biktima posibleng panghampas sa kanyang mukha.