-- Advertisements --

DAVAO CITY – Kinasuhan na ang isang retiradong pulis at ang kanyang kinakasamang babae na nahuling nagtatalik sa isang inn sa Davao City.

Batay sa imbestigasyong isinagawa ng Sasa Police Station, kinilala ang mga nasasangkot na sina alyas Edgar, isang retired police at alyas Rowena.

Kasong Adultery ang isinampa kay Rowena habang Concubinage at paglabag sa R.A 9262 o Violence Against Women & their Children’s Act in relation to Emotional & Psychological Abuse naman ang naisampa kay Allan.

Kamakailan lang, naging usap-usapan sa social media ang naging trending video ng nahuling pakikipagtalik ng mister sa kanyang kinakasama sa loon ng isang inn noong Miyerkules, Setyembre 7, 2022.

Pansamantalang nakalaya ang babae matapos magpyansa habang nananatili namang nasa kustodiya ng Sasa Police Station ang retiradong pulis.