-- Advertisements --
Patay ang isang lalaki matapos pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang mga suspek sa Riverbanks ng Sitio Olandes, Marikina.
Ayon kay Police Major Neil De Castro, Hepe ng Criminal Investigation Unit ng Marikina, naganap ang pananambang pasado alas 9 kaninang umaga.
Kinilala ang biktima na si Nomer Cardines, retiradong pulis na ngayon ay negosyante na.
Ayon kay De Castro, nakasakay ng van ang 2 armadong suspek na naramil sa biktima.
Nasa 18 mga bala ang nakuha sa crime scene.
Inaalam pa ang motibo sa pananambang sa ngayon nagpapatuloy ang imbestigasyon ng mga pulis.