-- Advertisements --

VIGAN CITY – Malalimang imbestigasyon ang isinasagawa ng mga otoridad sa pamamaril-patay sa isang retiradong pulis nitong alas- 2: 50 ng Lunes ng hapon sa public cemetery sa nasabing bayan sa Barangay Poblacion Sur, Sta. Maria, Ilocos Sur.

Sa impormasyong nakalap ng Bombo Radyo Vigan, nakilala ang biktima na si Reynaldo Castro, 61 – anyos, may-asawa at residente ng Barangay Baliw Laud, Sta. Maria, Ilocos Sur.

Base sa inisyal na imbestigasyon, lumalabas na nagtungo sa sementeryo ang biktima sakay ng kaniyang Monterosport para maglinis sa puntod ng kanilang mga yumaong kamag-anak, kasama ang dalawang trabahador nito.

Naka-upo umano sa isang monoblock chair ang biktima sa gilid ng kalsada nang pagbabarilin ng mga hindi pa kilalang suspek na nakasakay sa motorsiklo.

Dahil dito, nagtamo ng tama ng tama ng baril sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang biktima kung kaya’t kahit na naidala kaagad sa Ilocos Sur District Hospital- Narvacan, Ilocos Sur ay idineklera itong dead on arrival.