TUGUEGARAO CITY – Paghihiganti at pagkakasangkot sa iligal na droga ang tinitignang motibo sa pamamaslang sa isang retiradong sundalo sa Apayao kahapon.
Nagtamo ng 19 na tama ng bala ng cal.45 na baril ang biktima na si Sylverio Juan, 53-anyos, taga-bayan ng Flora.
Sa panayam ng Bombo Radyo, sinabi ni Lt. Col. Jefferson Cariaga, deputy provincial director ng Apayao Police Provincial Office, na isang lalaking nakamotorsiklo ang sumunod sa minamanehong kulong-kulong ng biktima kasama ang kanyang asawa at kapatid na papauwi na sa bayan ng Pudtol nang siya ay binaril.
Hindi naman nadamay ang dalawa nitong kasama.
Narekober sa crime scene ang walong stem cell ng calibre .45 at dalawang slug nito.
Nabatid na nag-ugat ang kaso ng biktima sa umano’y pagkakadawit sa kanya sa pagkakapatay ng isang lalaki sa kasalan nitong April 2019 sa Flora kung saan nagtago ito sa bayan ng Pudtol hanggang sa napawalang sala ng korte sa kasong murder.
Dati na rin itong sumuko dahil sa iligal na droga ang biktima ngunit nakalabas lamang dahil sa probation.
Dagdag pa ni Cariaga, lahat ng anggulo sa pamamaril ay masusing tinitignan ng mga imbestigador upang matukoy ang suspek na tumakas papuntang Abulug, Cagayan.