-- Advertisements --

ILOILO CITY – Binawian ng buhay ang isang retired army matapos na sinaksak ng kanyang kapitbahay sa Zone 15, Calaparan, Arevalo, Iloilo City.

Ang biktima ay si Joebert Bodiola, 63, samantalang ang suspek ay si Mark Losana, 35, isang fish vendor.

Sa panayam ng Bombo Radyo kay PCpt Resty Labasteda, hepe ng Arevalo Police Station, sinabi nito na dumaan ang biktima sakay sa kanyang sasakyan, nang nagparinig umano ang lasing na suspek.

Ayon sa hepe, doon na nagsimula ang komprontasyon ng dalawa at makaraan ang ila sandali ay umalis si Bodiola ngunit sinundan ito ni Losano at doon na pinagsasaksak ang biktima.

Dinala pa sa ospital ang retired army ngunit binawian din ng buhay dahil sa natamong mga sugat.

Ani Labasteda,may dati nang alitan ang dalawa.

Naaresto naman ang suspek at nakakulong na na subong sa Arevalo Police Station at sasampahan ng karampatang kaso.