-- Advertisements --

NAGA CITY – Tuluyan nang binawian ng buhay ang Camarines Sur civil security head at dating jail warden ng Tinganis Penal Farm matapos barilin sa labas ng bahay nito sa San Felipe, Naga City.

Una nang kinilala ang biktima na si Jojo Musa.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga kay Maj. Ariel Blanco, station commander ng NCPO-Station 3, sinabi nitong habang nakaupo sa labas ng kanyang bahay ang biktima nang biglang barilin ito ng tatlong beses ng suspek.

Nagtamo ng sugat sa katawan si Musa na agad naman itinakbo sa ospital ngunit binawian pa rin ng buhay habang ginagamot.

Agad umanong tumakas ang naturang suspek ngunit agad ding naaresto sa hot pursuit operation ng mga otoridad.

Nabatid na isang retired Army soldier ang suspek na si Elmer Nelmida, 58, na mula sa Pili, Camarines Sur.

Nakilala aniya ito ng mismong katrabaho matapos mahagip ng CCTV camera na malapit sa lugar na naging dahilan para agad itong matukoy ng mga otoridad.