-- Advertisements --
Pinaplano ngayon ni retired boxing champion Oscar Dela Hoya na muling sumabak sa ring.
Huling nakitang lumaban ang 47-anyos na boksingero ay noong 2008 ng talunin siya ni Filipino boxing champion Manny Pacquiao.
Sinabi ng Mexican boxing star, na-enganyo siya kay retired boxing champion Mike Tyson na nagpaplanong bumalik sa ring.
Nais niyang malaman kung kaya ba niyang matapatan ito.
Dagdag pa nito na kahit sino ay puwede niyang makaharap sa muli niyang pagbabalik.