-- Advertisements --
Hinirang sa Nevada Boxing Hall of Fame si retired boxing referee Carlos “Sonny” Padilla.
Sa social media ng anak nitong singer na si Zsa Zsa Padilla ay ibinahagi nito ang larawan ng tropeo ng ama.
Nakilala si Padilla ng maging referee sa laban nina Muhammad Ali at Jose Frazier sa tinaguriang “Thrilla in Manila” noong 1975.
Bukod sa nasabing laban ay naging referee sa mga sikat ng boksingero gaya ng laban ni Sugar Ray Leonard kay Wilfred Benitez, Mike Tyson laban kay Pinklon Thomas, Thomas Hearns vs. Roberto Duran at laban ni Sugar Ray Leonard kay Roberto Duran.
Huling nag-referee si Padilla sa laban ni Manny Pacquiao kay Nedal Hussein na ginanap sa bansa noong 2000.