-- Advertisements --

Pinalaya ang retiradong football star na si Ronaldinho mula sa limang buwang house arrest sa Paraguay.

May kaugnayan ito sa pagpasok niya sa nasabing bansa gamit ang pekeng passport.

Ayon kay Paraguayan judge Gustavo Amarilla, na binawasan na nila ang nasabing 2 taon na hatol sa football player at kapatid nitong si Roberto de Assis Moreeira.
Pinagbayad din ang mga ito ng $200,000.

Magugunitang noong Marso ay inaresto ang magkapatid dahil sa paggamit ng pekeng Paraguayan passport.

Nagtungo ang dalawa sa nasabing bansa para magsagawa umano ng negosyo.