-- Advertisements --
Itinalaga ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr si retired judge Maria Amifaith Fider-Reyes bilang isa sa mga commissioner ng Commission on Human Rights (CHR).
Si Fider-Reyes na nagretiro sa judiciary noong Disyembre ay kukumpleto sa anim na komisyon ng CHR na magsisilbi ng hanggang 2029.
Siya ang pangatlong babae na five-person body na magsisilbi bilang highest decision-makig and policy setting body.
Nagturo siya ng law sa University of Southern Philippines at the University of San Jose-Recoletos.
Ilan sa mga miyembro ng anim na commission ay kinabibilangan nina Chairman Richard Palpal-latoc at Commissioners Beda Epres, Faydah Maniri Dumarpa at Monina Arevalo Zenarosa.