LAOAG CITY – Tikom pa ang kampo ng isang dating judge sa Ilocos Norte matapos mabatid na guilty ang hatol sa kanya ng korte kaugnay ng kasong gross ignorance of the law.
Tumangging sumagot sa Bombo Radyo si retired Judge Philip Salvador dahil patuloy pa rin daw na nakabinbin ang kaso sa korte.
Batay sa ulat, itinuloy pa rin daw ni Salvador ang pagbababa ng desisyon sa ilang kaso kahit nag-avail na ito ng optional retirement noong Enero ng nakaraang taon.
Kabilang sa mga huling pinagdesisyunan umano ng retired judge ang isang kasong may kinalaman sa titulo ng lupa noong May 17, 2018.
Ayon sa Supreme Court, hindi na pwedeng magbaba ng desisyon o pumirma ng mga dokumentong may kinalaman sa mga kaso at korte ang isang hukom na nag-retiro.
Mahaharap sa parusang panghabang-buhay na diskwalipikasyon si Salvador at forefeiture ng retirement benefits.
Pinagbabayad din ito ng P20,000 bilang
Napag-alaman na magbabayad pa si Salvador ng 20 libong piso dahil sa paglabag nito sa rules, directives at circulars ng Korte Suprema, maliban sa pagkakadiskwalipika nito sa anumang posisyon sa mga ahensya at korporasyon, at pagkaka-forfeit ng lahat ng kanyang retirement benefits.