-- Advertisements --

Bago na ang director ng Government Arsenal, ito ay sa katauhan ni retired MGen. Daniel Casabar.
Pinalitan ni Casabar si retired MGen. Jonathan Martir.

Mismong si Defense Secretary Delfin Lorenzana ang nanguna sa turn over of command na ginanap kahapon.

Pinuri ni Lorenzana ang mga ginawang pagbabago sa Government Arsenal na nagdulot na sari-saring produksiyon ng Defense Materiel na gagamitin ng AFP para sa kanilang tactical operations.

Kumpiyansa din si Lorenzana na magagampanan ni Casabar ang mga reporma at good governance na iiwan ni Martir.

Dagdag pa ng kalihim na kayang kaya ni Casabar na gawin ang matagal ng pangarap na magkakaroon ng self-reliant defense posture.

Pagtiyak ni Lorenzana na ang defense department ay kinukunsidera ang Government Arsenal bilang priority supplier ng rifles and ammunition hindi lamang sa AFP kundi sa buong security forces kabilang ang Philippine National Police (PNP), Philippine Coast Guard at iba pang mga armed civilian agencies.