Bago mag alas-8:00 kaninang umaga nang dumating sa PNP headquarters sa Camp Crame si retired C/Supt. Wally Sombero ang umano’y nagsilbing “middle man” at tinaguriang bag man ng gaming tycoon na si Jack Lam.
Sumuko si Sombero kay incoming PNP chief Director Oscar Albayalde.
Kaagad namamng isinailalim sa booking procedure si Sombero gaya ng pagkuha ng finger printing at medical examination.
Matapos ang booking procedure kaagad siyang dinala sa Sandiganbayan kung saan doon naman siya kinuhanan ng mugshots.
Si Sombero ay nahaharap sa kasong plunder, kung saan siya ang nagbulgar kaugnay sa umano’y bribery sa ilang opisyal ng Bureau of Immigration.
Mananatili muna sa PNP-CIDG detention cell ang dating heneral.
Ayon naman sa legal counsel ni Sombero, hihilingin nila sa korte na sa PNP Custodial Center sa Kampo Crame ikulong ang kanyang kliyente.
Nilinaw naman ng incoming PNP chief na si Gen. Albayalde na hindi sila magkakila ni Sombero at ang pagsuko nito sa kanya ay sa pamamagitan ng dati nilang senior officer.
Si Sombero na dating hinawakan ang CIDG noong aktibo pa, ay inamin na mas komportable siya at ligtas kaya sa Camp Crame sumuko.