Patay ang isang retired police colonel matapos tambangan kaninang alas-9:32 kaninang umaga sa may bahagi ng A. Linao st. corner San Andres st., Malate, Manila.
Kinilala ni Manila Police District (MPD) spokesperson PSupt. Carlo Magno ang biktima na si PSupt. Roberto Palisoc na binaril patay ng riding in tandem.
Nagawa pang dalhin sa Ospital ng Maynila ang binaril na pulis pero idiniklara itong dead on arrival ng attending physician
ito.
Nabatid na nasa labas ng kaniyang bahay ang dating opisyal ng bigla na lamang lapitan ng riding-in-tandem at saka pinagbabaril.
Sinabi ni Magno na bago nag retire sa serbisyo si Palisoc naka assign ito sa NCRPO, ROTC.
Sa ngayon ongoing ang dragnet operation ng mga operatiba ng MPD laban sa mga suspeks.
Napag-alaman na si Supt. Palisok ay kabilang umano sa narco list ng Pang. Rodrigo Duterte.