-- Advertisements --

TACLOBAN CITY – Nagpapatuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng mga kapulisan ukol sa nangyaring pagbaril-patay sa isang retired police office at anak nito sa Brgy. Sta. Cruz, Palo, Leyte, nitong Martes ng umaga.

Kinilala ang mga biktima na sina Pio Peñaflor, retiradong pulis at anak nito na si Alpie Peñaflor, pareho residente ng Brgy. Mag-aso, Jaro, Leyte.

Ayon kay Pol Capt Joemen Collado, Hepe ng Palo MPS, na habang naglalakad ang dalawang biktima ay bigla na lang ang mga itong pinagbabaril ng hindi nakilalang mga suspek.

Batay sa imbestigasyon, na nakatakbo pa ang isa sa mga suspek kayat nasa magkalayong direksyon ang mga ito nang makita.

Naniniwala ang mga kapulisan na planado ang ginawang krimen na kung saan ay tiniempo ng suspek na walang nakabantay na mga pulis sa naturang lugar.

Sa ngayon ay nagpapatuloy ang isinasagawang operasyon ng mga kapulisan nang sa gayun ay matukoy at maaresto ang nasa likod ng naturang krimen.