-- Advertisements --
Interesadong lumaban sa WWE ang retiradong UFC fighter na si Daniel Cormier.
Sinabi nito na matagal na siyang fans ng WWE at ilang dekada na itong nanonood ng mga professional wrestling.
Dagdag pa nito na nagkakaroon na sila ng pag-uusap ng WWE para sa nasabing laban.
Ipinagmalaki rin nito na kaya niyang maging commentator ng para sa WWE.
Magugunitang tuluyang nagretiro si Cormier noong nakaraang mga buwan kung saan nakalaban niya sina Anderson Silva, Rumble Johnson at Stipe Miocic.