-- Advertisements --
House of Representatives

Inihain ng ilang mambabatas ang House Bill 5161 na naglalayong bigyang retirement, healthcare at death benefits ang mga professional Filipino athletes na nasungkit ang kampionato sa mga international sports competition.

Layon rin nitong panukala na kilalanin ang glory at honor ng mga Filipino athletes sa pagdadala ng pangalan ng Pilipinas sa iba’t ibang bansa.

Sa ilalim ng panukalang batas na ito ay bubuo ng Professional Filipino Athletes Welfare Development Trust Fund kung saan ang pondo dito ay gagamitin sa pagpapaganda pa ng sports training facilities na tatalima sa international standards.

Ang athleta na mananalo sa individual events ng international sports competition ay makakatanggap ng lifetime monthly pension na P15,000 hanggang sa umabot ng 50 years old.

Samantala, ang sa team events naman ay P10,000.

Ayon sa may akda ng nasabing panukala, ang mga atleta raw ay sumasailalim sa ilang taong training kung saan punong puno ng pressure at expectations.

Inilalaan rin nila ang kanilang buong lakas at diwa sa pag iinsayo kaya sila ay prone sa exhaustion, burnout, physical injuries at psychological distress.

Ngayon raw ang tamang panahon upang bigyan sila ng sapat na suporta maging sa pagtatapos ng kanilang karera.