BAGUIO CITY – Tinutugis pa ng PNP ang isang retiradong militar na bumaril sa isang laborer sa Poblacion West, Flora sa Apayao.
Nakilala ang suspek na si Silverio Sipsip Juan, 49, may asawa at retiradong miyembro ng Philippine Army habang nakilala ang biktima na si Ronald Buggay Busay, 42 at residente ang mga ito ng Poblacion, West, Flora, Apayao.
Base sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, noong gabi ng Biyernes ay nanonood ang biktima ng isang wedding celebration at biglang nagpakita ang suspek at doon niya binaril ang biktima.
Natamaan o nabaril ang pisngi ng biktima dahilan ng pagkamatay nito habang nakatakas ang suspek.
Narekober ng mga pulis ang isang basyong bala ng caliber 45 sa pinangyarihan ng insidente.
Naniniwala silang personal ang dahilan ng pamamaril habang patuloy pa rin ang imbestigasyon sa nasabing kaso.