Puspusan ang isinasagawang retrieval operation ng Antipolo City Disaster Risk Reduction Management Office (CDRRMO) sa 2 batang lalaki na nasa loob ng kanilang bahay nang nawash-out ito sa kasagsagan ng landslide sa Sitio Banaba, Barangay San Luis, Antipolo City bunsod ng matinding pag-ulan dulot ng bagyong Enteng.
Nauna ng narekober ang mga labi ng 2 kamag-anak na babae ng mga bata nitong hapon ng Martes.
Ayon sa Antipolo CDRRMO, posibleng tumama ang landslide gabi ng Lunes dulot ng malakas na buhos ng ulan dahil sa masamang lagay ng panahon.
Ang bahay aniya ng mga biktima ay malapit sa slope na parte kayat posibleng lumambot ang lupa sa ilalim ng kinatitirikan ng bahay ng mga biktima dahil sa matinding mga pag-ulan na humantong sa pagguho nito.
Pahirapan naman sa mga rescuer na matunton ang mga labi ng 2 bata dahil posibleng na-trap ang mga ito sa nakatagong imburnal sa ilalim ng ilog.