Pahirapan pa rin ang retrieval operation sa bumagsak na Cessna plane sa Isabela na mahigit isang buwan at kalahati ng hinahanap.
Ang Cessna 206 Plane ay natagpuan sa Slope sa bundok ng Sierra Madre, at kinumpirma na lahat ng sakay ng nasabing aircraft ay hindi nakaligtas.
Ayon nga kay Civil Aviation Authority of the Philippines spokesman Eric Apolonio, nnahihirapan umano ang Search and rescue team dahil masyadong matarik ang bundok at madulas ang mga dinadaanan ng mga ito.
Kung maalala ang Cessna 206 plane na patungong Maconacon ay iniulat na nawawala isang oras pagkatapos umalis mula sa Cauayan Domestic Airport noong January 24, kasalukuyang taon.
Ang six-seater plane na may tail number na RPC 1174 ay lalapag sana ng alas tres ng hapon noong January 24, ngunit hindi nga ito nakarating sa destinasyon.
Sa ngayon, patuloy ang pagtutulungan ng awtoridad para maibaba ang mga bangkay na sakay ng aircrft sa lalong madaling panahon.