
Posibleng abutin pa ng ilang araw ang isinasagawang retrieval operations sa mga labi ng apat na sakay ng Cessna plane na bumagsak malapit sa crater ng Mayon Volcano.
Ito ay sa gitna pa rin ng pahirapang pagbababa sa naturang mga bangkay dahil pa rin sa mapanganib at pabago-bagong panahon sa lugar,
Ayon kay Camalig, Albay mayor Carlos Baldo, nagawa nang ibaba ng mga rescuers ang mga labi ng mga biktima ilang metro pababa sa slope ng Bulkang Mayon.
Sa ngayon ay target pa ng mga ito na maibaba ang mga bangkay sa lugar kung saan maaari na itong makuha ng Philippine Air Force chopper.
Samantala, bukod dito ay sinabi rin ni Baldo na baka abutin ng hanggang tatlong araw ang pagbababa sa mga ito sakaling gumanda ang panahon, ngunit nakadepende pa rin aniya ito sa magiging sitwasyon at panahon sa itaas ng nasabing bulkan.