BAGUIO CITY – Hanggang ngayon ay bigo pa rin ang mga rescuers sa paghahanap sa dalawang kabataang nawawala sa La Trinidad, Benguet mula pa noong Agosto 13.
Ayon kay Yoshio Labi, Municipal Disaster Risk Reduction and Management Officer ng La Trinidad, patungo na ang mga rescuers at volunters sa bayan ng Bagulin, La Union matapos nilang sinuyod ang bahagi ng Kamog, Sablan, Benguet.
Sinabi niya na nakikiisa sa search and retrieval operations ang mahigit 50 katao.
Inamin ni Labi na malaking problema sa kanila ang pwersa ng mga responders kahit kompleto sila sa mga kagamitan sa paghahanap.
Pinaniniwalaang natangay ng agos ng ilog sina Harley Diplat Rufino, 16-anyos at Rommel Alsem Tadena, 17-anyos na kapwa residente ng Wangal, La Trinidad, Benguet sa kasagsagan ng habagat.