Naipasok na ng Department of Social Welface and Development (DSWD) ang benepisyo ng mga miyembro ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) na kakabalik lamang sa naturang programa.
Dahil dito, maaari nang makuha ng mga reinstalled members ang retroactive payment o benefits sa kani-kanilang mga account.
Sinabi ni 4Ps National Program Manager at Director Gemma Gabuya na ang matatanggap na retroactive payments ay ang kabuuang halaga para sa 10-month education grants na hindi nila natanggap sa taong 2023.
Habang ang delayed health grants at rice subsidies ng mga reinstated beneficiaries ay una na ring naibigay sa kanila hanggang nitong June 2024.
Kaugnay nito ay aabot sa mahigit 650,000 4Ps household ang makakatanggap ng kanilang 10-month delayed benefits.
Sa kabilang banda, ang panibagong batch ng mga reinstated 4Ps beneficiaries ay tatanggap na rin ng mga grants sa darating na August 17. Ito ay binubuo ng humigit-kumulang 120,000 households.