Nagpahiwatig ang Asian Football Federation (AFC) na pwede pa ring mabago ang petsa nang muling pagbabalik ng games sa FIFA World Cup at Asian Cup Joint Qualifiers.
Una rito sa anunsiyo ng AFC ang mga nakanselang laro noong buwan ng Marso ay inilipat sa October 8 at 13, habang ang June matches ay gagawin naman sa November 12 at 17.
Kung pagbabasehan ang bagong schedule magbabalik ang mga laro ng national team Azkals sa ambisyon nito sa World Cup at Asian Cup ay sa home game kontra Guam sa Oct. 8.
Sunod naman ay laban sa powerhouse team China sa Nov. 12, bago ang huling laro versus Maldives pagkalipas ng limang araw sa Group A.
Sa ngayon nasa ikatlong pwesto ang mga Pinoy booteers hawak ang pitong puntos kung saan nangunguna ang Syria na may 15 at wala pang talo, samantalang ang China ay nasa ikalawa na may pito ring puntos pero bitbit ang higher goal difference.
Mahalagang masungkit ng Azkals ang magandang resulta sa huling three matches para may tiyansa nang pagkapit sa spot sa third round ng WCQ.