-- Advertisements --

Itinturing ng bandang Eraserheads na ang kanilang nakatakdang concert ngayong Disyembre ay maaring huling pagtatanghal nila bilang grupo.

Sinabi ni Francis Lumen isa sa mga producers ng concert na ito na ang maaring huling reunion concert ng grupo.

Kinumpirma rin ito ni Diane Ventura, ang manager ng Eraserheads vocalist na si Ely Buendia, na ito na ang huling reunion concert ng grupo sa bansa.

Magugunitang mula sa dating 50,000 tickets na mabilis na na-sold out ay nagdagdag pa sila dahil sa hiling ng mga fans.

Magaganap ang reunion concert ng banda sa darating na Disyembre 22 sa SMDC Festival Grounds sa lungsod ng ParaƱaque.