-- Advertisements --
image 175

Pinakaaabangan ang reunion concert ng Eraserheads, na nakatakda sa darating na Disyembre 22, 2022 sa SMDC Festival Grounds sa Parañaque City.

Matatandaan na ang Eraserheads ay na-disband noong 2002 matapos ang isang dekada ng paggawa ng mga hit songs.
Noong 2008, nagdaos muli sila ng isang reunion concert ngunit naputol ito matapos isinugod si Buendia sa ospital dahil sa paninikip ng dibdib. Pagkalipas ng isang taon noong Marso 2009, nagsama-sama ulit sila onstage para sa kanilang concert na tinawag na “The Final Set” sa Mall of Asia Concert Grounds.

Samantala, nito lamang Setyembre gamit ang kani-kanilang mga social media account, kinumpirma ng mga miyembro ng Eraserheads na sina Ely Buendia, Raimund Marasigan, Buddy Zabala at Marcus Adoro ang kanilang muling pagsasama-sama.

Pinamagatan ang nasabing pinaka-aabangang reunion concert na “Huling El Bimbo” dahil ito na umano ang pinakahuling performance ng Pinoy band icon.
Maaari namang i-stream ng mga tagahanga ang nasabing iconic OPM rock band’s concert habang inilalabas nila ang kanilang mga hit songs gaya ng “Ang Huling El Bimbo,” “Minsan,” “Magasin,” “Spoliarium,” at marami pang iba. (with reports from Bombo Kelly Cordero)