-- Advertisements --
Hinimok ng environmental group na Greenpeace Philippines ang lokal at nasyonal na gobyerno na ipatupad na rin ang reuse and refill system.
Sa programang ito, maaaring mag-refill ang mga mamimili ng fabric conditioner, liquid detergent, at dishwashing liquid gamit ang kanilang lagayan.
Layon nitong mabawasan ang paggamit ng single-use plastics sa bansa.
Bukod dito, naging maganda raw ang epekto ng programa sa mga nagtitinda dahil tumaas umano ang mga kita nito.
Nais naman ni Quezon City Mayor Joy Belmonte na palawakin pa ang proyekto sa mas maraming lugar sa lungsod.
Sa kasalukuyan ay nakikipag-ugnayan na ang Greenpeace Philippines sa iba pang lokay na gobyerno para isagawa ang ‘Kuha sa Tingi’ project.