-- Advertisements --

Inaresto ang ilan sa mga empleyado ng Indonesian pharmaceutical company ng Kimia Farma dahil sa alegasyong paggamit ng reused nasal cotton stick para sa coronavirus test.

Ayon sa mga otoridad, aabot sa 9,000 ang mga pasahero sa Kualanamu airport sa Medan, North Sumatra ang tinatayang nasuri gamit ang reused cotton sticks para sa COVID nasal swab testing.

Medan Indonesia airpot

Naniniwala ang mga otoridad na noon pang Disyembre nang nakaraang taon nangyayari na ang naturang scam sa Medan airport.

Sa collective lawsuit ng Indonesian human rights lawyers laban sa naturang firm, umaasa silang mabigyan ng 1 billion rupiah bilang compensation ang bawat pasahero na nabiktima ng fraud scheme ng kompaniya.

Sa nakalipas lamang na linggo, inaresto ang limang empleyado ng Kimia Farma kabilang na ang manager sa nasabing airport na inaakusahang lumabag sa health and consumer laws dahil sa pagbebenta ng mga gamit at na-repackage na nasal swab stick.

Agad namang sinibak ang mga staff ng pharmaceutical firm na sangkot sa naturang scheme at nangakong papaigtingin ang kanilang internal control.

Sa ngayon, isa ang bansang Indonesia sa may pinakamalalang COVID outbreaks sa Asia na nakapagtala ng 1.7 million covid positive cases habang nasa mahigit 46,000 naman ang nasawi na iniuugnay sa global pandemic. (with reports from Bombo Everly Rico)