-- Advertisements --

Nagpatupad ng balasahan sa ilang mga senior key officials ang liderato ng Philippine Navy.

Ayon kay Philippine Navy Flag Officer in Command Vice Admiral Robert Empedrad, layon ng isinagawang revamp ay paghandaan ang mga parating na mga bagong capabilities at kagamitan patungo sa modernisasyon.

Kabilang sa nakatakdang ideliver ngayong taon ay ang dalawang AW 159 anti-submarine helicopters, Pohang Class Corvette at walong amphibious assault vehicles para sa Philippine Marines.

Nakatakda din mag acquire ng mga bagong barko ang Philippine Navy para lalo pang palakasin ang role nito sa pagbabantay sa teritoryo ng bansa.

Kabilang sa mga senior navy officials na apektado sa revamp ay sina: Commodore Alberto Carlos na nag-assumed bilang commander ng Naval Combat Engineering Brigade dahil nagretiro na sa serbisyo si Commodore Francisco Gabudao; Capt.Danilo Aguit ang itinalaga bilang hepe ng Bonifacio Naval Station kapalit ni Col. Noel Beleran na itinalagang deputy commander for operations ng Fleet Marine Ready Force.

Si Capt. Diosdado Caluya ang bagong commander ng naval logistics center habang si Capt. Francisco Tagamolila ang bagong chief of staff ng Naval Forces West.

Si Col. Bayani Curaming ang pumalit sa pwesto ni Capt. Tagamolila bilang director ng ONSS.

Habang si Capt. Estelito Lagadia Jr.m ang dating commanding officer ng BRP Tarlac ay nag assumed bilang bagong commander ng Navy Personnel Management Center.

Binigyang-diin ni Empedrad na ang mga nasabing pwesto ay mahalaga sa pag sustain sa modernization program ng hukbo lalo na sa pagdating ng mga bagong capabilities at kagamitan.