-- Advertisements --
Bumaba ng P156 billion ang revenue collections ng mga iba’t-ibang ahensya sa bansa.
Ayon sa Department of Finance (DOF) isa sa naging dahilan ng pagbaba ng revenue collection ay dahil sa ipinatupad na enhanced community quarantine dahil sa coronavirus pandemic.
Ang P156.26 billion na halaga ay mas mababa sa P757.12 billion na revenue target para sa quarter.
Binubuo ito ng P455.45 ng BIR na mas mababa ng 2.86% sa P68.86 billion na target sa 2019.
Habang ang Bureau of Customs ay mayroong P154.41 billion o mas mababa ng 12.75% sa P166.69 billion na target sa unang quarter.