-- Advertisements --

Iniulat ng Land Transportation Office-National Capital Region ang pagtaas ng nakolekta nitong buwis ngayong taon kumpara sa nakalipas na taon.

Batay sa datos ng ahensya, bago pa man matapos ang 2023, umabot sa P8.1 billion ang nakulekta na nitong buwis ngayong taon.

Ito ay mas malaki ng ilang bilyong piso kumpara sa P7.82 billion na nakolekta noong 2022.

Upang matiyak ang pagpapatuloy ng momentum, ipinag-utos naman ni LTO-NCR Regional Director Roque Verzosa III ang pagbuo ng detalyadong activity plans para sa susunod na taong pangungulekta ng buwis.

Ayon kay Director Versoza III, malaki ang naitulong ng mga empleyado ng LTO upang maabot ang mataas na kita ngayong taon.

Umaasa naman ang opisyal na mahihigitan pa nito sa susunod na taon ang nakolektang buwis ngayong 2023.