-- Advertisements --

Ipinagmalaki ng Land Transportation Office-National Capital Region ang nakulekta nitong ₱7.05 billion revenue mula Enero hanggang Septyembre ng taong ito.

Ayon sa ahensya, tumaas ito ng 2.24 percent mula sa parehong period noong nakalipas na taon.

Sa isang pahayag, sinabi ni LTO-NCR Financial Management Division Chief Annabelle Quevedo, nalapasan rin ng ahensya ang kanilang target revenue collection noong nakalipas na taon na umabot sa ₱6.89 billion.

Ang pagtaas aniya ng kanilang revenue collection sa unang siyam na buwan ng taon ay dahil sa mataas na koleksyon sa registration at licensing fees na umabot sa ₱6,279,808,620 at ₱691,170,327

Nakadagdag rin ang koleksyon mula sa Law Enforcement and Traffic Adjudication System na umabot sa ₱68,299,455 at Motor Vehicle Inspection Center na pumalo sa ₱12,841,490.

Tiniyak naman ni LTO-NCR Regional Director Roque “Rox” I. Verzosa III na mamantine nila ang mataas na revenue collection para sa natitirang buwan sa taong ito.