-- Advertisements --

Lumitaw sa pagdinig ng Senate committee on finance na pinamumunuan ni Sen. Sonny Angara ukol sa development budget coordination committee briefing na malaki ang nalulugi sa Pilipinas dahil sa Chinese products na pumapasok kada taon.

Sa inilabas na data ni Sen. Panfilo Lacson mula sa World Bank, lumalabas na ang record ng Bureau of Custom (BoC) na pumapasok na imported Chinese products sa bansa noon 2017 ay umaabot sa $13,477,818,270.

Subalit sa record ng China lumalabas na may discrepancy ng $13 billion o P684 billion.

Ayon kay Lacson kung ito ay i-multiply sa 12% VAT lumalabas na lugi ang gobyerbo o may revenue loss ng P82 billion.