-- Advertisements --

Target ng gobyerno ng Pilipinas na itaas hanggang P4 trillion ang revenues hanggang sa pagtatapos ng termino ni Pangulong Rodrigo Duterte sa 2022.

Base sa Development Budget Coordinatioin Committee (DBCC) medium-term program, na mayroong 10.5 percent o P3.149 trillion ang total revenues ang itataas ngayong taon.

Mayroon namang 12.3 percent o P3.536 trillion ang itataas pagdating naman ng 2020.

Isang malaking factor sa nasabing pagtaas ng revenue ay mula sa Package 1 o Tax Reform for Acceleration and Inclusion o Train Law.