Suportado ni US Defense Secretary Mark Esper na rebyuhin ang pinirmahang Mutual Defense Treaty sa pagitan ng Pilipinas at Amerika.
Sa panayam kay Esper sa Kampo Aguinaldo, nagpahayag ito ng pagsuporta na muling rebyuhin ang kasunduan bunsod na rin ng pangangailangan ng panahon.
Taong 1951 nang mabuo ng Pilipinas at Amerika ang Mutual Defense Treaty na pinatatag pa ng Visiting Forces Agreement (VFA) na siyang nagpapalakas sa relasyon ng dalawang bansa.
Binigyang diin pa ni Esper na kailangang regular na silipin at amiyendahan ang MDT upang makasunod ito sa mga hamong hinaharap ng Pilipinas at makatugon sa anumang pangangailangan.
Nasa bansa si Esper para makipag pulong sa kaniyang counterpart na si Sec Delfin Lorenzana.
Nangako ang pamahalaan ng Amerika sa patuloy nitong pagsuporta sa Pilipinas lalo na sa aspeto ng defense and security.
Samantala, ayon naman kay Lorenzana may mga ginagawa na silang paghahanda para rebyuhin ang MDT.
Nagpulong kanina sina Esper at Lorenza base sa kanilang pulong ni Esper nagkasundo sila na palakasin pa ang kooperasyon sa maritime at aerial domains.
Binigyang-diin din ng Pilipinas at US ang kanilang commitment na i uphold ang freedom of navigation partikular sa South China Sea o West Philippine Sea.