-- Advertisements --

ILOILO CITY – Tatanggap ng reward money ang makakapagturo sa suspek na sumaksak patay sa babae na natagpuan sa loob ng sasakyan ni dating San Dionisio, Iloilo Mayor Peter Paul Lopez.

Ang biktima ay si Claire Diergos ng Dagsaan, Buenavista Guimaras.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Carlo Hubo, chief executive officer ng SureBiz Marketing at kaibigan ni Claire ng halos isang dekada, sinabi nito na magbibigay sila ng P300,000 na reward money sa makakapagturo sa pumatay sa biktima.

Samantala, ibinahagi rin ni Hubo na inamin mismo ng kanyang kaibigan na hindi na nbagbibigay ng suporta sa anak ni Claire ang lalaking bumuntis sa kanya na isa umanong pamilyadong tao.