-- Advertisements --
PDEA Director Aquino
PDEA Director Aquino/ FB image

Naipasakamay na ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa kani-kanilang mga confidential informants na nagturo para maaresto ang mga malalaking pangalan na sangkot sa iligal na droga.

Isinabay ang pagbibigay ng kabuuang P11 million na pabuya sa ika-17th anibersaryo ng PDEA.

Pinangunahan ni PDEA Director Aaron Aquino, Dangerous Drug Board Chairman Catalino Cuy ang pagbibigay ng nasabing halaga sa 18 mga informants.

Iba’t-ibang halaga ang natanggap ng mga informants mayroong umabot sa P2 milyon depende sa laki ng mga reward money para tuluyang mapahinto ang mga drug den at maaresto ang mga drug suspects.

Patuloy pa rin ang panghihikayat ni PDEA Director Aquino sa mga mamamayan sa pagsumbong sa mga tao na sangkot sa iligal na droga.