-- Advertisements --
KORONADAL CITY – Inaasahang anumang araw ay ilalabas na ng Sto Nino LGU ang reward money para sa sinuman na makakapagturo sa mga suspek na pumatay kay Mayor Pablo Matinong.
Ito ang inihayag ni Sto Nino municipal administrator Jofrey Frenal sa panayam ng Bombo Radyo Koronadal.
Ayon sa opisyal, pinag-uusapan pa sa ngayon ni Mayor Sulpicio Villalobos ang mga hakbang na gagawin kasama ang kaniyang gabinete at mga kapulisan kaugnay sa pagpapabilis ng pagresolba ng naturang kaso.
Tiniyak rin nitong ginagawa nila ang lahat upang tuluyang makamit na ni Mayor Matinong at ng pamilya ang inaasam na hustisya.