-- Advertisements --

KORONADAL CITY- Nasa P400K na ang reward money na ibibigay ng alkalde ng Pikit, North Cotabato sa sinumang makapagtuturo sa mga suspek sa pamamaril sa mga estudyante na nagresulta sa pagkamatay ng isa at pagkasugat naman ng apat pang kasamahan nito.

Ito ang inihayag ni PCol. Harold Ramos, Provincial Director ng North Cotabato Police Provincial Office sa panayam ng Bombo Radyo Koronadal.

Ayon kay Col. Ramos, nakunan mismo ng CCTV footage ang mga suspects na itinutirng sa ngayong mga persons of interest sa nangyaring sunod-sunod na shooting incident at gumagawa na ng paraan ang LGU Pikit kasama ang Pikit PNP, North Cotabato Police , at PR 12 para agad na mahuli ang mga salarin.

Samantala, epektibo na rin ang ipibapatupad na total gun ban kasunod ng halos araw-araw na shooting incidents na naitatala sa nabanggit na bayan.

Ito minso ang napagkasunduan sa isinagawang Emergency Meeting on Public Safety, Peace and Order na pinangunahan ng local government unit.

Maliban dito, Inirekomenda din ng PNP, AFP, at mga Barangay officials ang mahigpit na implementasyon ng kap-kap bakal sa lahat upang makontrol ang pagdadala ng mga di lisensiyadong baril mula sa mga lawless persons habang isinulong naman ang ordinansa na magbabawal sa mga nakamotorsiklo na may angkas upang di na makapambiktima pa ang mga riding in tandem suspects.

Dagdag pa ng opisyal, ipinatupad na din ang mahigpit na mga check points sa entrance at exit points na madalas daanan ng mga suspek sa pamamaril.

Sa ngayon, ngayon hawak na ng PNP ang CCTV footage sa pamamaril sa mga biktima na malaki ang maitutulong sa pagresolba sa kaso.