Pumanaw na ang Queen of Kundiman ng Pilipinas na si Sylvia La Torre sa edad na 89.
Kinumpirma ng kaniyang apong babae na isang American actress at singer na si Anna Maria Perez de Tagle ang malungkot na balita sa kaniyang social media post.
Ibinahagi nitong pumanaw ng mapayapa ang kaniyang lola sa tabi ng kaniyang asawa.
Inalala nito na ang kaniyang lola ang inspirasyon niya sa pagkanta at pag-acting at kaniyang unang vocal coach na nagturo sa kaniya ng mga kundiman.
Inalala nito ang kaniyang lola bilang isang devoted wife, mapagmahal na ina, lola at great-grandmother, mapag-arugang tita at affectionate na kaibigan na kinilala din bilang First Lady ng Philippine Television, Queen of Kundiman at Tandang Sora Awardee.
Nakilala din ito sa mga ginampanang role sa iba’t ibang pelikula gaya ng “Tuloy ang Ligaya,” “Ulila ng Bataan” at “Ang Asawa Kong Americana.”