-- Advertisements --
Posibleng aabot na sa apat na milyon ang user o gagamit ng RFID (radio frequency identification) sa susunod na taon.
Ang RFID ay bahagi ng electronic toll collection system na ginagamit sa mga sasakyan na dumadaan sa mga toll gates, lalo na dito sa Metro Manila.
Bago matapos ang taon, inaasahan kasing aabot ng hanggang 3.3 million na motorista ang gumagamit ng RFID mula sa dating 2.9 million na naitala noong nakalipas na taon.
Sa pamamagitan kasi ng paggamit ng RFID, mas nababawasan ang trapiko sa mga lansangan dahil mabilis lamang ang pag-usad ng mga sasakyan pagdating o pagpasok sa mga toll gate, kumpara sa kung gagamit pa rin ng cash.